85 na Pinoy sa abroad, bagong na-infect ng COVID-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 85 na mga Pilipino sa abroad ang bagong tinamaan ng COVID-19.

6 naman ang bagong gumaling at walang binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 20,747 na mga Pinoy sa ibayong dagat ang na-infect ng virus.


7,286 sa kanila ang patuloy na nagpapagaling habang 12,234 na ang mga gumaling.

1,227 naman ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments