Manila Police District, isinailalim sa Full Alert Status matapos ang pamamaril ng lasing na pulis-Maynila

Ipinag-utos ni Manila Police District Director PBGen. Leo Francisco ang paglalagay sa Manila Police District (MPD) Headquarters sa full alert status matapos ang pamamaril kahapon ng isang lasing na pulis.

Ang paglalagay sa full alert status ay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pamamaril kahapon ni Police Executive Master Sergeant Reynante Dipasupil.

Sa nasabing pamamaril, namatay si Dipasupil matapos siyang gantihan ng putok ng mga rumespondeng tauhan ng MPD Swat Team.


Patay din ang biktimang pulis na si PMSg. Romeo Cantal habang sugatan ang isa pang pulis na si PSSg. Reynaldo Cordova.

Inatasan din ni Francisco ang lahat ng station commanders ng MPD na bantayan ang mental health ng kanilang mga tauhan.

Facebook Comments