85% ng mga Pinoy, naniniwala pa rin kay Pangulong Rodrigo Duterte – Pulse Asia

Halos karamihan ng mga Pilipino malaki pa rin ang tiwala kay Pangulong Duterte, batay sa lumabas na survey ng Pulse Asia nitong Huwebes.

Sa 1,200 kataong lumahok sa survey noong Hunyo 24 hanggang 30, aprubado ng 85 porsiyentong Pinoy si Duterte habang 3% ang hindi kumbinsido sa kakayahang ipinapamalas nito. Nasa 11% porsiyento naman ang nagsabing hindi buo ang kanilang pasya.

Kabilang din sa mga nakakuha ng matas na marka sina Bise Presidente Leni Robredo (55%) at Senate President Tito Sotto (77%).


Nagkamit ng pinakamamabang disapproval ratings na 3% at 7% at pinakamababang indecision rating na 11% at 16% sina Duterte at Sotto.

Samantala, hindi naniniwala ang kalahati ng taumbayan o 47 porsiyento kay House Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Siya rin ay nakakuha ng pinakamababang approval rating na 26 porsiyento.

41% naman ang sang-ayon at undecided sa pamumuno ni Supreme Court Justice Lucas Bersamin.

Personal na ininterbyu ng Pulse Asia ang mga sumali sa survey na pawang edad 18 pataas.

Facebook Comments