Aabot sa 850 na mga street dwellers at namamalimos sa mga kalsada sa Quezon City ang nasagip sa operasyon ng Task Force Sampaguita ng lokal na pamahalaan.
Sa nasabing bilang, 296 ay mga bata na nasagip sa 36 na area of concern sa lungsod.
Setyembre ngayong taon nang itatag ang task force sa ilalim ng Executive Order No. 41 na isa sa mga pangmatagalang program ng lungsod.
Ayon kay Task Force Sampaguita chairperson at Public and Employment Service Office Head Rogelio Reyes, layon ng kanilang operasyon na matuldukan ang child exploitation at child labor sa lungsod.
At dahil institutionalize na, magpapatuloy aniya ang kanilang rescue operation kahit hindi panahon ng Pasko.
Facebook Comments