DUMATING na sa Ilocos Region ang 86, 400 doses ng Astrazeneca Vaccine sa Department of Health- Ilocos Center for Health and Development Facility kahapon.
Ayon sa DOH-CHD1, Information Officer Dr. Rheuel Bobis, 10,000 na residente ng rehiyon ang babakunahan ng Astrazeneca.
Aniya, sa pagdating nito sa rehiyon mabibigyan umano ng pagpipilian ang mga health workers kung anong bakuna ang kanilang nais.
Umaasa rin si Bobis na makukuha na ang target nilang bilang ng mga mababakunahang health workers upang masunod ang A3 population.
Iginiit nito nito na ligtas na iturok ang Astrazeneca dahil muling napag-aralan ng technical working group at ng food and drug administration ang efficacy ng bakuna matapos itong suspendihin noon dahil sa mga ulat na nagkaroon umano ng blood clotting ang mga naturukan nito.