Catriona Gray, kulang raw ng suporta kay Rabiya Mateo

Sinagot ni Catriona Gray ang akusasyon ng ilang netizens tungkol sa umano’y kakulangan niya ng suporta sa pambato ng Pilipinas sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo.

Sa kanyang Instagram post noong Linggo, isang netizen ang sumita kay Catriona na sa halip daw na ipag-cheer si Rabiya ay tinatanong pa nito ang mga tao kung sino sa mga kandidata ang napupusuan nila.

Katwiran naman ng Filipina-Australian beauty, kahit siya ay Pilipina, Miss Universe rin siya kaya kinatawan siya ng mga kababaihan sa buong mundo.


Nilinaw rin ni Catriona na pribado siyang nakikipag-ugnayan kay Rabiya para magbigay ng suporta, bagay na hindi raw niya pinangangalandakan sa social media.

Samantala, gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2020 sa Miami, Florida, USA sa May 17.

Facebook Comments