Aabot sa 86 na milyong mga bata sa buong mundo ang posibleng maghirap hanggang sa katapusan ng 2020 dahil sa epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic.
Ito ay base sa pag-aaral na isinagawa ng Save the Children at United Nations Children’s Fund (UNICEF).
Ang nasabing bilang ay 15% ng 627 million na kabuuang bilang ng mga batang apektado ng kahirapan sa buong mundo.
Halos two-thirds dito ay nakatira sa Sub-Saharan Africa at South Asia, bagama’t nakikita ang pagtaas ng kaso ng sakit sa Europe at Central Asia.
Kaugnay nito, nanawagan ang dalawang organisasyon sa mga gobyerno na palawakin ng mga ito ang kanilang social security systems at school feeding para malimitahan ang epekto ng pandemya.
Facebook Comments