86 punong barangay, sinuspinde dahil sa anomalya sa SAP – DILG

Pinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng preventive suspension order ang nasa 86 punong barangay dahil sa iregularidad sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ginagamit na nila ang lahat ng hakbang para mapanagot at maparusahan ang lahat ng local officials na sangkot sa anomalya sa SAP.

Bukod dito, nasa 93 administrative cases ang isinampa laban sa mga lokal na opisyal.


Sinabi ni Año na marami pa ang makakasuhan at hindi sila hihinto hangga’t hindi napaparusahan ang lahat ng nagbulsa ng pera ng SAP.

Nasa 400 kaso ang isinampa hinggil sa anomalyang pamamahagi ng SAP.

Facebook Comments