87 deboto, nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine Red Cross

Nasa 87 deboto na ang nabigyan ng atensyong medikal ng mga volunteers ng Philippine Red Cross (PRC) na nakaposte sa mga first aid stations at welfare desks sa paligid ng Quiapo Church.

Ayon kay Senator Richard Gordon na siyang Chairman and CEO ng PRC, 69 sa mga ito ay nagpakuha ng blood pressure.

Nasa 15 naman ang nagbigyan ng first aid dahil sa tinamong minor injuries tulad mga sugat, gasgas, paltos at mayroon ding inatake ng asthma.


Isang katao naman ang kailangan itakbo sa pinakalamapit na ospital dahil sa natamo na 1st degree burn at dalawang katao naman ang nabigyan ng psychosocial support.

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno kahapon, naka-deploy ang 100 staff and volunteers, nagpakalat ng tatlong first aid stations kung saan ang mga ito ay nasa Quiapo Church, Sta. Cruz at San Sebastian.

Mayroon din ang PRC na 10 ambulansya.

Facebook Comments