Natapos ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing ng 87% o katumbas ng 147 mula sa 167 Certificate of Canvass (COC) na naglalaman ng mga boto nitong May 13 midterm elections.
Base sa partial and official tally, nangunguna pa rin sina re-electionist, Senators Cynthia Villar at Grace Poe.
- Cynthia Villar – 23,610,580
- Grace Poe – 20,711,849
- Bong Go – 19,030,884
- Pia Cayetano – 18,550,012
- Bato Dela Rosa – 17,567,258
- Edgardo Sonny Angara – 17,027,333
- Lito Lapid – 15,778,223
- Imee Marcos – 14,775,948
- Francis Tolentino – 14,387,602
- Koko Pimentel – 13,563,083
- Nancy Binay – 13,453,117
- Ramon Bong Revilla Jr. – 13,442,578
Nasa ika-13 pwesto si Senator Bam Aquino na may 13.38 million votes, sumunod si JV Ejercito, pang-14 na pwesto na nasa 13.34 million votes habang nasa ika-15 pwesto si dating Senator Jinggoy Estrada na may 10.51 million votes.
Sa party-list naman:
- ACT-CIS 2,487,362
- Bayan Muna 1,065,833
- Ako Bicol 1,038,006
- CIBAC 896,571
- Ang Probinsyano 713,710
Dumating na rin kagabi sa canvassing venue ang walong ballot boxes na naglalaman ng COC pero bubuksan ito sa pagpapatuloy ng proceedings.
Facebook Comments