Laborer na Tulak ng Droga, Timbog sa Buy Bust!

62

*Alicia, Isabela- *Arestado ang isang binata nang magpositibo ito sa inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Emilio Parpan, 31 anyos, laborer at residente ng Brgy. Sinalhan, Sta. Rosa, Laguna.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, positibong nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer kay Parpan kapalit ang halagang P500.00.

Nagresulta ito sa pagkakahuli ni Parpan na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Alicia para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments