Nasa 87 tripulanteng Pinoy ng pitong barko ang stranded sa Ukraine dahil sa naval mines o bomba sa karagatan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakikipag-ugnayan na sila sa mga may-ari ng barko para makuha ang pangalan ng mga Pinoy at mapag-aralan din kung paano sila matutulungan.
Batay sa pinakahuling tala ng DFA, 250 ang mga Pinoy na nagpalista para makauwi sa Pilipinas pero nasa higit 100 pa ang hindi nagpapakita.
Samantala, isang Pinay ang kasalukuyang naiipit sa bakbakan sa ikalawang pinakamalaking siyudad sa Ukraine na Kharkiv at kasama ngayon ng kaniyang employer sa bunker.
Una nang sinabi ng DFA na 45 pinoy na nasa Kyiv ang tumanggi na lumikas sa kabila ng nagpapatuloy na pag-atake ng Russia.
Facebook Comments