Kahalagahan ng food security at suporta sa mga mangingisda, iginiit ni Loren Legarda

95

Iginiit ni 3-term Senator at House Deputy Speaker Loren Legarda na mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na supply ng pagkain sa bansa.

Ayon kay Legarda, ang mga mangingisda natin ang susi para manatiling matatag ang ating ekonomiya at matiyak ang ating food security.

Bilang co-author ng House Bill No. 8242 o ang “Right to Adequate Food Act”, naniniwala si Legarda na dapat prayoridad ng gobyerno na suportahan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga kagamitan.


Dahil dito, umaasa si Legarda na maisasabatas na agad ang panukala lalo na ngayong bumabangon na ang ating ekonomiya.

Facebook Comments