Matagumpay na nagtapos ang 875 youth leaders sa kauna-unahang Police Community Academy (PCA) ng La Union matapos ang ilang buwang masusing pagsasanay sa pamumuno, pagpigil sa krimen, katatagan sa sakuna, at pakikilahok sa komunidad.
Layunin ng programa na mabigyan ng mahalagang kasanayan ang mga kabataan upang maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad.
Inaasahan na ang mga kabataang ito ay magiging tagapagtaguyod ng positibong pagbabago, patatagin ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at tumulong sa pagpapalakas ng kaligtasan dahil sa kanilang mga bagong kaalaman.
Inilunsad ang PCA sa probinsya noong September 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









