Israel, tutulong na rin sa pagpapalakas ng disaster preparedness ng Pilipinas

Pinangunahan ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss ang pakikipag-ugnayan sa Pilipinas para sa kolaborasyon sa pagpapalakas sa paghahanda sa mga kalamidad.

Sa kanyang pakikipagkita kay Office of Civil Defense (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno, tiniyak ni Ambassador Fluss ang kahandaan ng Israel na tumulong sa Pilipinas sa panahon ng mga kalamidad.

Tinukoy ni Ambassador Fluss ang water purification, urban resilience, at ang pagtugon sa Chemical, Biological, Radiological, and Nuclear (CBRN) threats.


Tinalakay rin nina Ambassador Fluss at ni Usec. Nepomuceno ang hinggil sa malawak na kaalaman ng Israel sa disaster management.

Nagkasundo naman ang dalawang opisyal sa pangangailangan ng technological assistance sa food and water purification, gayundin sa mga solusyon para mapaganda ang urban resilience.

Facebook Comments