88 katao, nasawi matapos ang naganap na pag-atake sa Nigeria

96

Aabot sa 88 katao ang nasawi matapos atakihin ng hindi pa matukoy na mga armadong lalaki ang walong nayon sa Kebbi, Nigeria.

Ayon sa tagapagsalita ni Kebbi Governor Abubakar Bagudu, nagmula ang mga armadong lalaki sa kalapit na lugar na Niger at Zamfara states.


Maliban sa pagpatay, pinagsisira rin ng mga ito ang mga ani at pinagpapatay ang alagang baka ng mga residente.

Nabatid na ang mga ito rin ang nasa likod ng mass kidnapping sa isang eskuwelahan kung saan 800 na estudyante ang na-kidnap noong Disyembre ng nakaraang taon.

Facebook Comments