Pagluluwag sa mga fully vaccinated individual, pag-aaralan ng VEP

52

Masusing pag-aaralan ng Vaccine Expert Panel ang suhestyon ng ilang fully vaccinated individuals na luwagan na ang ipinapataw na restrictions para sa kanila.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang ganitong mga posibilidad ay dapat pag-usapan at pag-aralan muna.


Binigyang diin ni Duque na hindi pwedeng isantabi ang mga napatunayang pamamaraan para makaiwas na tamaan ng COVID-19 tulad ng pagsusuot ng tama ng face mask, face shield at pagsunod sa physical distancing kahit pa nabakunahan na.

Wala pa aniyang pag-aaral sa ngayon na nagpapakita na hindi na mahahawahan ng COVID-19 ang mga nabakunahan na, kaya mahalaga pa ring ipagpatuloy ang mga napatunayang epektibong paraan upang makaiwas na matamaan ng COVID-19.

Facebook Comments