88 kilos na shabu na may estimated amount na 600 Milyon narekober ng samar PNP sa checkpoint operation sa Gandara Samar

Naharang ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit PNP Region 8 at Samar Police Provincial Office ang dalawang sasakyan na may bitbit na 44 na packs o 88 kilos ng shabu  sa national Highway ng Brgy. Buñagan Gandara Samar.

Ayon kay PNP Region 8 Regional Director Brig. Gen. Dionardo Carlos alas 4:30 ng hapon kahapon nang magsagawa ng checkpoint operation ang mga pulis sa may bahagi ng National Higway sa Gandara .

Pinara nila ang dalawang sasakyang na  may plate number XTE453 na kulay gray at silver, at isa pang kulay black na may plate number ZLV463.


Nakuha sa sasakyan ang 44 packs o 88 kilos ng shabu na may halagang nasa 600 Million pesos .

Arestado ang mga sakay ng dalawang sasakyang  na kinilalang sina Cesar Uy, Jarred Axcel Elaran  at Steven Perez.

At sina Leonard De los Reyes, Elbert Abella  at Jeralou Rapuela kapwa mga nasa legal age.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Region 8 para matukoy kung saan nangmula at sino ang nagmamayari ng malaking halaga ng drogang kanilang  nakumpiska.

Facebook Comments