88 milyong mga Pilipino, rehistrado na para sa national ID ayon sa PSA

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa halos 88 milyong mga Pilipino na ang nakapagparehistro para sa Philippine Identification System (Philsys ID) o national ID.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Deputy Statistician Fred Sollesta na malapit na nilang maabot ang target na 92 milyong registrants para sa 2024.

Sa pinakahuling datos ay nakapamahagi na rin aniya sila ng 51.5 milyon na physical cards at 3 milyon ang kasalukuyan pang ipinamamahagi.


Habang nasa 25 milyong electronic IDs na naimprenta na ang naisyu nila.

Kaugnay nito ay hinihikayat ng PSA ang mga Pilipino na magparehistro na para mapakinabangan na sa mga transaksyon ang national ID.

Facebook Comments