Aabot na sa 88 porsyento ng mga probinsya, highly urbanized cities, at independent charter cities sa bansa ang patuloy na nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), karamihan sa mga lugar sa bansa ay nagpapakita ng matinding pagtaas ng mga kaso, kung saan ang National Capital Region ay may halos 450 na kaso kada araw.
Naobserbahan din ang bahagyang pagtaas ng mga kaso sa Mindanao noong kalagitnaan ng Hunyo, na may 50 kaso na naitatala bawat araw.
Sa kabila nito, lahat ng rehiyon sa bansa ay nananatili sa low-risk case classification kahit na nagpakita ang mga ito ng higit 200 percent positive two-week growth rates.
Paliwanag ni DOH Spokesperson at National Vaccination Operations Center Chairman Maria Rosario Vergeire na ang two-week growth rate ay nagpapakita ng bilis ng pagtaas o pagbaba ng mga kaso.