Buong suporta sa Marcos administration, panawagan ng isang senador

66

Mainit na pagbati ang mensahe ni Senator Francis “Chiz” Escudero kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kaugnay nito ay nananawagan sa mamamayan si Escudero na suportahan ang bagong administrasyon para sa mabilis na pagbangon at pag-ahon ng ating bansa.

Pagtiyak ni Escudero, siya ay kaisa sa hangarin ni Pangulong Marcos na mabigyan ng epektibo at agarang solusyon ang mga pagsubok ng bayan upang tuluyan natin itong malampasan.


Umaapela si Escudero sa lahat ng political parties na isantabi na muna ang magkakaibang paniniwala, ideolohiya at hindi pagkakasundo.

Ito ay para mas matugunan nang may malakas na determinasyon ang mabigat na tungkulin na pahusayin ang buhay ng 110 million na mga Pilipino.

Facebook Comments