88,000 Pilipinong nangangailangan ng tulong-medikal, naserbisyuhan ni VP Leni Robredo

Umabot na sa 88,000 mga Pilipinong nangangailangan ng tulong medikal sa bansa ang naserbisyuhan ni Vice President Leni Robredo.

Simula ito nang manungkulan si Robredo bilang Pangalawang Pangulo noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Katuwang ni Robredo ang maraming ospital at institusyon na kabilang sa 104 partner service providers ng Office of the Vice President (OVP).


Maliban dito, nakipagtulungan din si Robredo sa; East Avenue Medical center (EAMC); Philippine General Hospital; Lung Center of the Philippines; Philippine Heart Center; Philippine Children’s Medical Center; Manila Doctors Hospital; at Philippine Orthopedic Center.

Facebook Comments