Manila, Philippines – Pasok ang anim na Pilipinong kumpanya sa listahan ng pinakamalaki, pinakamakapangyarihan at pinakamahalagang kumpanya sa buong mundo.
Base sa Forbes Global 2000 list, pasok sa 883rd place ang SM investments group na pagmamay-ari ni Henry Sy.
Nasa 1,072nd place ang BDO Unibank Inc., na pagmamay-ari din ng Sy Group.
Ang Top Frontier Investment Holdings Inc., pinakamalaking stakeholder ng San Miguel Corporation na nasa 1,210.
Ang Ayala Corporation ay nasa 1,216th place.
Nasungkit ang 1,506th spot ang JG Summit Holdings Inc. ng mga Gokongwei habang nakuha ng Metrobank ang 1,750 spot.
Ginawang criteria sa ranking ay sales, profits, assets, at market value.
Ang Industrial & Commercial Bank of China ang nanatiling nangunguna sa listahan sa loob ng anim na magkakasunod na taon habang ang China Construction Bank nananatiling nasa ikalawang pwesto.