89 na units ng bus ang binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng special permit para makabiyahe sa ruta ng Light Rail Transit Line 2.
Sa kalatas pambalitaan NG LTFRB, Kabilang sa binigyan ng special permit ang Airfreight Express Bus (1 unit), Armi Josh Bus (5 unit), Corimba Bus (6 unit), Quiapo Bus (4 unit), Earth Star express Inc. (5 unit), Tolfetano Corp., (10 unit), Victory Lines (30 unit) at RRCG Transport (28 units).
Layunin ng LTFRB na madagdagan ang biyahe patungong Maynila matapos na masira ang LRT2.
Posible umano na umabot ng siyam na buwan bago makabalik sa normal na operasyon ang LRT2.
Gumagawa naman ang LRT2 ng paraan upang mabuksan ang biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang sa Recto, Maynila.
Nasunog ang rectifier substation ng sistema sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations noong Huwebes.