89 na mga dating rebelde, pinasyal ng libre sa Hong Kong

Pinag-bakasyon sa bansang Hongkong ang 89 na mga dating rebelde  nitong july  30 hanggang August 2, 2019.

Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Spokesperson Lt. Col. Ezra Balagtey, binayaran at inasikaso lahat ng Eastern Mindanao Command at Presidential Management Staff (PMS) ang bakasyon ng 89 na mga dating rebelde sa Hong Kong.

Matatandaang una nang ipinangako ng Pangulo sa mga dating rebelde ang pamamasyal sa Hong Kong.


Ginawa ng gobyerno ang libreng pamamasyal sa Hong Kong sa mga dating rebelde para makita at maranasan nila ang pamumuhay sa  modernong syudad at magkaroon ng panibagong perspektibo sa buhay at hindi mahikayat pang bumalik sa kanilang grupo.

Facebook Comments