Pangongolekta ng SAGAD FEE, Bawal na!- Governor Bai Mariam

Sinimulan na ng mga otoridad sa Maguindanao ang pagbubuwag at pagpapasara ng mga shanty o mga dampa/ kubo o mas kilala bilang Sagad Fee Terminal na di umanoy illegal na nangongolekta o humihingi ng Sagad Fee sa mga motoristang bumabyahe o napapadaan sa ibat ibang bayan sa lalawigan.

Itoy matapos ipag-utos ni Maguindanao Governor Bai Mariam Mangudadatu sa mga elemento ng Kapulisan sa lalawigan na walang puwang at hindi nito pahihintulutan ang sinasabing tila nakagawian na sa mahabang panahon ng ilang indibidwal sa lalawigan.

Nakakalungkot aniyang isipin na napabayaan at hinayaan na lamang ang ganitong diskarte at tila isinusulong pa ang harap- harapang ginagawang kurapsyon giit pa ni Governor Bai Mariam.


Simula noong nakaraang mga araw ay pinagsisira na ng mga kapulisan ang mga Sagad Terminal sa ibat ibang bayan ng lalawigan.

Sinasabing ang mga Sagad Terminal sa ibat ibang bayan sa Maguindanao ay nangongolekta ng kundi man pera ay produkto ng mga dumaraang mga motorista, pamapasaherong vehicle at mga cargo truck.

Hinimok naman ng Gobernadora ang lahat ng LGU na tutukan ang nasabing usapin at umaasang makikiisa sa kanilang kampanya.
Samantala, umani naman ng pagpapasalamat sa mga motorista ang ginawang inisyatiba ni Governor Bai Mariam.
CAD Maguindanao PPO Pic

Facebook Comments