89% na mga Pinoy, sinabing buhay ang demokrasya sa Pilipinas ayon sa SWS survey

Inihayag ngayon ng Social Weather Station (SWS) survey na ginawa sa huling quarter ng 2022 na siyam sa bawat 10 Pilipino na tinanong ang nagsabing buhay ang demokrasya sa Pilipinas at ito ay tinatamasa ngayon ng bawat mamamayan.

Ang resulta ng survey ay iprinisinta ni Mr. Jay Sandoval, Vice President ng SWS sa annual review ng nasabing survey firm.

Ayon sa SWS, 89% ng mga Pilipino na tinanong ang nagsabing naniniwala sila na buhay ang demokrasya sa Pilipinas habang 60% ang nagsabing “always prefer democracy,” 26% ang nagsabing madalas ay authoritarian at 15% ang wala namang nagbago.


Samantala, 12% lamang ang nagsabing mariin nilang tinututulan na may paninikil sa freedom of speech, 14% sometimes disagree, 27% undecided, 28% ang madalas ay sangayon at 19% strongly agree.

1,440 respondent ang kinuha ng SWS na nasa edad 18 pataas.

Facebook Comments