Presyo ng bulaklak sa Dangwa, Maynila, tumaas na ilang araw bago ang Araw ng mga Puso; pero bentahan, matumal pa

Matumal pa ang bentahan ng mga bulaklak sa Dangwa, Maynila.

Gayunpaman, bahagya nang tumaas ang presyo nito apat na araw bago ang Araw ng mga Puso.

Ang isang bouquet ng 12 tangkay ng Red Roses ay nagkakahalaga ngayon ng isang libong piso; ₱1,500 pesos naman ang China Rose habang ₱1,000 ang Paper Rose.


Naglalaro naman sa ₱2,500 hanggang ₱3,000 ang presyo ng bouquet ng Tulips habang nasa ₱3,500 hanggang ₱5,000 ang Ecuadorian bouquet.

Kung nais makamura, ibinebenta rin sa Dangwa ang bouquet of toys na nagkakahalaga ng ₱1,000; stuffed toys na ₱500 to ₱600 na kung may kasamang tsokolate ay nasa ₱700.

May mga lobo rin na may nakasulat na Happy Valentine’s Day na nasa ₱300 to ₱700 depende sa disenyo.

Facebook Comments