89 na punong barangay, sinuspinde ng Ombudsman dahil sa anomalya sa distribusyon ng unang tranche ng SAP

Nasa 89 na punong barangay sa buong bansa ang pinatawan ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman.

Ito’y may kaugnayan sa isinampang reklamo Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa anomalya sa distribusyon ng unang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa kautusan ng Ombudsman na may petsang September 2, 2020, anim na buwan ang ipinataw na preventive suspension laban sa mga chairman ng barangay.


Ayon sa Anti-Graft Court, malakas ang ebidensya ng Ombudsman kaugnay sa anomalya sa SAP.

Nanganganib ding matanggal sa puwesto ang mga pinaparatangan dahil sa serious dishonesty, grave misconduct, abuse of authority and conduct prejudicial to the best interest of the service

Kasabay nito, inatasan ni DILG Secretary Eduardo M. Año ang mga municipal at city mayors na agad ipatupad ang kautusan ng Ombudsman.

Maliban sa mga alkalde, inatasan din ng kalihim ang mga DILG regional at field officers na tiyaking maayos ang mass suspension.

Sinabi naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa na may nangyaring mass suspension sa mga opisyal ng gobyerno.

Kabilang sa mga sinuspinde ay mula sa Region I, National Capital Region at Region 2.

Facebook Comments