891 empleyado ng Southern Philippines Medical Center positibo sa COVID

Tinatayang nasa 891 empleyado ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan.

Kinumpirma ito ni SPMC Medical Chief Dr. Ricardo Audan kung saan karamihan dito ay naka-home isolation habang 30 naman ang naka-admit sa healthcare facility.

Naniniwala ito na dulot ito ng mas nakakahawang COVID-19 Omicron variant.


Dahil dito, sinabi ni Audan na binawasan ng SPMC ang quarantine time at ginawang limang araw para sa mga na-infect na empleyado bunsod ng kakulangan sa medical staff.

Sumulat na rin aniya siya kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. upang humingi ng health workers mula sa Armed Forces of the Philippines at Bureau of Fire Protection.

Samantala, naabot na rin ang 100 porsyento kapasidad ng ICU at ward bed utilization rates.

Facebook Comments