39 milyong halaga, tinupok ng sunog sa isang mall sa Cebu

Tinatayang nasa P39 milyong piso ang halaga ng pinsala ng natupok na APM mall sa barangay Mabolo, Cebu City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-2 ng hapon nitong Biyernes ika-28 ng Enero.

Kaugnay nito, 62 fire trucks ang nagtulong-tulong upang maapula ang apoy na umabot sa ikatlong alarma at nagtagal ng halos tatlong oras bago ideklarang fire out.


Sa kabutihang palad ay wala namang napaulat na nasaktang empleyado at customer ng mall.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang nasabing insidente.

Facebook Comments