Cauayan City, Isabela- Iginiit ni Assistant Provincial Health Officer at Chairperson ng Isabela Vaccination Program Operation Center Dr. Arlene Lazaro na prayoridad pa rin ang pagbabakuna sa A1 hanggang A3 group.
Ito ay sa kabila ng nasimulang pagbabakuna sa A5 priority group kontra COVID-19, dahil na rin sa nakategorya ang lalawigan sa critical risk sa dami ng naitalang tinamaan ng virus.
Ayon kay Dr. Lazaro, umabot na sa 218,037 (as of Sept.13, 2021) ang nakatanggap ng first dose habang 151,728 naman ang nakatanggap ng second dose.
Nasa 9.7% ng Isabeleños ang fully-vaccinated mula sa total projected population.
Mula sa priority group, umabot na sa 99.8% ang nabakunahan sa A1 habang A2 ay 69.8%, A3 – 71.5%, A4 – 40% at A5 – .2%.
Facebook Comments