9-anyos, patay nang tamaan ng kidlat sa US

453
Unsplash

Sawi ang isang 9-anyos na babae, habang malubha ang kapatid nitong 15-anyos matapos tamaan ng kidlat sa Georgia, USA.

Naglalakad ang biktimang si Nicol Mateo Pedro kasama ang kapatid at ina nang may mamuong bagyo sa lugar noong Biyernes, ayon sa ulat ng WSB-TV.


Sumilong umano ang mag-iina sa shelter na gawa sa kahoy, nang tumama ang kidlat sa katabi nitong pine tree saka kay Nicol na nakaupo lang noon.

Isinugod sa ospital ang paslit, ngunit idineklara ring wala ng buhay.

Isinakay naman sa eroplano upang dalhin sa Augusta Burn Center ang ate ni Nicol na nagtamo ng malubhang pinsala.

Ligtas naman ang nanay ng mga bata at iba pang sumilong sa parehong shelter.

Facebook Comments