9 Arestado sa Drug Den sa Naga City

21July2017-Bagsak sa kalaboso ang 9 katao pagkaraan ng operasyon na isinagawa ng PDEA Camarines Sur. Tanghali kamakalawa nang ikasa ng PDEA ang isang buy bust operation laban kina Menfrono Serrana at Godfrey Amabillo ng Barangay Sta. Cruz, Naga City. Nagkakahalagang 150 thousand pesos ang ginamit na buy bust money ng PDEA kapalit ang mahigit sa limampung gramo ng shabu. Makaraang mahuli ang dalawang suspect, naaktuhan din sa loob ng pamamahay ni Menfrono ang nasa anim na kalalakihan at isang babae na gagamit pa lamang ng ipinagbabawal na droga. Ang mga nahuli ay kasalukuyang nasa custody ng PDEA Camarines Sur at tuluyan nang sinampahan ng kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa RA 9165 – Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasama mo sa DWNX-NAGA 1611, PAUL SANTOS – TATAK RMN.
Tags: PDEA Camarines Sur, Paul Santos, DWNX Naga 1611, RA 9165, DWNX 1611 DoblePasada, Buy Bust Operation

Facebook Comments