Number 2 sa Nabua Drug List, Arestado

Arestado ang isang Robert Regala y Fandino, 46, residente ng Zone 5, Topaz Proper sa bayan ng Nabua, Camarines Sur. Inaresto ang suspect sa pamamagitan ng drug buy bust operation na isinagawa ng Nabua PNP bandang alas 11:55 ng gabi kamakalawa. Si Fandino ay itinuturing na number 2 sa baseline watch list sa illegal drugs sa nasabing bayan.
Samantala, isang operasyon din ng BFAR at Maritime Group ang nagresulta sa pagkahuli ng isang Motorized Banca at pagkakaaresto ng 8 mangingisdang sakay dahil sa illegal fishing. Ang motorized banda ay pag-aari ng isang Roberto Hermida ng Barangay Sabang, bayan ng Calabanga sa Camarines Sur. Ang pag-aresto ay naganap alas 4 ng madaling araw nitong July 17. Ang mga sangkot ay kakasuhan ng violation of section 95 ng RA 8550 na may kaugnayan sa illegal fishing. –mannybasajr
Tags: Manny Basa, Jr., Nabua Drug List, Nabua, illegal fishing, BFAR, Maritime Group, DWNX Naga 1611 Doble Pasada

Facebook Comments