9, arestado sa pot session sa Taguig City

Taguig City – Arestado ang limang babae at apat na lalaki sa isang drug den sa Barangay Pinagsama, Taguig City.

Kinilala ang dalawang tulak ng droga na sina Rhodora Ramos at Ruth Bermaje.

Isang buwan din minanmanan ng mga pulis ang dalawa bago isinigawa ang buy-bust operation sa bahay na inuupahan ni Ramos.


Nang pasukin ng mga pulis ang bahay, naaktuhan din nilang nag-pot session ang tatlo pang babae at apat na lalaki.

Kumukuha ng suplay ang dalawa sa tinatawag nilang ‘kangkungan’ kung saan nakuha mula sa kanila ang siyam na sachet ng shabu na may street value na limang libong piso.

Facebook Comments