9 bansa naka-alerto kasunod ng Madagascar plague

Madagascar – Nananatiling nakaalerto ang siyam na bansa sa posibleng pagpasok ng plague mula sa Madagascar.

Mahigpit ang pagbabantay ng mga bansang Comoros, Ethiopia, Kenya, Mauritius, Mozambique, Réunion Island, Seychelles, South Africa at Tanzania sa mga lokal at dayuhang pumapasok sa kanilang bansa.

Ang plague ay dulot ng Bacterium Yersinia Pestis na nakukuha mula sa kagat ng pulgas o garapata o sa mga daga.


Maaring mahawa ang tao sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo.

Nitong Agosto, umabot na sa 165 ang patay habang 2,000 ang infected o nahawaan pero dahan-dahan na itong nako-control.

Facebook Comments