Cauayan City, Isabela- Siyam bayan nalang ng Isabela ang nananatiling may aktibong kaso ng COVID-19 batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, March 28, 2022.
Ito ay ang mga bayan ng Aurora, Cabatuan, Cordon, Echague, Roxas, San Manuel, San Mateo, San Pablo at City of Ilagan.
Tanging ang lungsod ng Ilagan ang may mataas na bilang ng aktibong kaso na nasa apat (4) habang ang ibang bayan ay may tig-isang kaso nalang.
Kaugnay nito, nasa 68,941 ang cumulative cases na naitala ang lalawigan at 66,675 naman ang mga nakarekober sa sakit.
Umabot naman sa 2,251 ang kabuuang COVID related deaths.
Samantala, isa nalang ang binabantayang pasyente ng Santiago City Health Office sa harap ng patuloy pa rin ang paghikayat ng lokal na pamahalaan sa publiko na sundin pa rin ang pinapairal na minimum public health standard.
Mula sa 36, dalawampu’t walong bayan na sa probinsya ang COVID-19 Free.
Facebook Comments