9 Bayan sa Isabela na Apektado ng ASF, Maaari nang Magdeklara ng State of Calamity!

Cauayan City, Isabela- Maaari nang isailalim sa State of Calamity ang 9 na mga bayan na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, nagbigay na ng hudyat si Isabela Governor Rodito Albano III na maaaring magdeklara ang mga bayan na may kaso ng ASF ng State of Calamity.

Ito ay upang magamit na rin ang kanilang Calamity fund upang matulungan ang mga apektadong hog raisers.


Kabilang sa mga bayan na naka total lockdown ngayon ang Aurora, Cordon, Gamu, Jones, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas at San Manuel habang mayroon pang 3 bayan ang kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng Provincial Veterinary Office dahil sa ASF.

Ayon pa kay Ginoong Santos, ang mga bayan ng Jones, Gamu, Roxas at San Manuel, Isabela ang nabigyan pa lamang ng tulong pinansyal ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela at isusunod na rin ang natitira pang mga bayan.

Nilinaw nito na ang bawat malalaking baboy na isinailalim sa culling o pinatay at ibinaon sa lupa ay babayaran ng provincial government ng halagang Php2,500.00 habang may counter part naman ang LGU na Php2,500.00 na ibibigay rin sa may-ari ng baboy.

Facebook Comments