9 COVID-19 Patient sa Cagayan Valley, Nagnegatibo na sa Sakit

4416

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center na umabot na sa siyam (9) ang nagnegatibo sa corona virus o covid-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Ayon kay Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao ng CVMC, nagnegatibo sa ikalawang covid-test ang mga pasyenteng una ng nagpositibo sa covid-19.


Una ng napaulat na ang tatlo (3) sa anim (6) na pasyente ay nakauwi na sa kanilang mga tahanan matapos na magnegatibo ang kanilang ikalawang resulta.

Kabilang din sa mga nagnegatibo sa ikalawang covid-test result ang tatlong (3) nurse at isang (1) doktor matapos mapaulat na nakaramdam sila ng ilang sintomas ng nakamamatay na sakit.

Sa kabila ng 21 kaso ng covid-19, siyam (9) na ang nabawas sa naturang bilang ng kaso.

Facebook Comments