9 COVID-19 Patients sa Cauayan City, Gumaling sa Sakit

24

Cauayan City, Isabela- Nakarekober na sa COVID-19 ang siyam (9) na nagpositibo sa virus mula sa Lungsod ng Cauayan.

Sa ulat ng City Health Office ngayong araw, November 16, 2020, idineklara nang ‘Fully Recovered’ ang siyam na COVID-19 patients sa Lungsod na sina CV2906, CV2908, CV2910, CV2911, CV2912, CV2913, CV2914, CV2915 at CV2920.


Sila ay hindi na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at natapos na rin ang kanilang mandatory quarantine.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 60 na natitirang aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments