Hagupit ng Bagyong Ulysses na naranasan ng grupo ni Vice Ganda sa Polillo, Quezon, ibinahagi nito sa kanyang latest vlog

476

Ipinakita ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez sa kanilang vlog ang naranasan na delubyo ng Bagyong Ulysses habang nagbabakasyon sa Balesin Island sa Polillo, Quezon.

Sa latest vlog ni Vice na inilabas kahapon, nakuhanan nito ang pagtama ng Bagyong Ulysses sa kanilang lugar kung saan ilang beses silang nag-evacuate ng tinutuluyang villa dahil sa hagupit ng bagyo.


Say ni Vice, natakot at ninerbiyos silang lahat noong mga oras na nag-landfall ang bagyo sa kanilang lugar na itinuturing niyang isang delubyo.

Pero sa kabila nito ay nagpapasalamat pa rin siya sa Panginoon dahil nakaligtas silang lahat at nakabalik ng maayos sa Maynila.

Kasabay nito, isang fundraising drive ang inorganisa ng TV Host/Comedian para sa lahat ng mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Facebook Comments