9 COVID-19 Positive sa Cauayan City, Gumaling

9

Cauayan City, Isabela- Nakarekober na sa sakit na COVID-19 ang siyam (9) na kinapitan ng virus mula sa Lungsod ng Cauayan.

Sa pinakahuling datos ng Cauayan City Health Office as of May 23, 2021, bagamat may siyam na gumaling sa COVID-19 ay mayroon namang apat (4) na bagong tinamaan ng nasabing sakit.


Wala namang naitala na COVID-19 related death sa nasabing araw.

Umaabot naman sa 188 ang bilang ng aktibong kaso o hindi pa gumagaling sa COVID-19 sa Lungsod.

Muli namang hinihikayat ang lahat na sumunod sa mga panuntunan habang ang Lungsod ay nananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Facebook Comments