9 Katao sa Cauayan City Kabilang ang 1 Empleyado ng LGU, Nahawaan ng Coronavirus

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng siyam (9) na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, unang lumabas ang resulta ng swab test ng walong (8) nagpositibo sa COVID-19 na mga nahawaan ng mga naunang nagpositibo.

Tatlo rito ay sina CV2535, 2536, 2537 na mga anak ng nagpositibong mag-asawa na si CV 2326 at CV 2366 na mga residente ng Barangay District 1. Sila ay asymptomatic o hindi nagpakita ng anumang sintomas ng Covid-19.


Pang-apat ay si CV2538, lalaki, 61 taong gulang, may-asawa at residente ng Barangay District 1, ama ng nagpositibong si CV2271. Siya ay asymptomatic rin o hindi nagpakita ng anumang sintomas ng Covid-19.

Panglima ay si CV2539, lalaki, 29 taong gulang, residente ng Barangay San Fermin na asawa ng nagpositibong si CV2263 at wala rin sintomas ng virus.

Pang-anim ay si CV2540, babae, 29 taong gulang, residente ng Barangay San Fermin, matalik na kaibigan ng nagpositibong si CV2446. Siya ay nagkaroon ng sipon simula noong October 13, 2020.

Pang-pito ay si CV2541, lalaki, 45 taong gulang, residente ng Barangay Baringin Sur. Siya ay asawa ng nagpositibong si CV2213, asymptomatic o hindi nagpakita ng anumang sintomas ng Covid-19.

Pangwalo ay si CV2542, lalaki, 28 taong gulang, may-asawa, residente ng Barangay San Fermin.

Nagsimulang makaranas ng lagnat simula pa noong October 12, 2020 kaya’t nakipag-ugnayan sa City Health Office, dumaan sa triage at kinuhanan ng sample noong October 19, 2020.

Si CV2542 ay isang empleyado ng LGU-Cauayan na nakatalaga sa Local Civil Registry Office (LCR).

Ang pang siyam na huling lumabas ang resulta ng swab test ay si CV2542, lalaki, 23 taong gulang, walang asawa, at residente ng Barangay San Fermin.

Siya ay kabilang sa mga direct contact at may exposure sa nagpositibong si CV2263.

Siya ay asymptomatic o hindi nagpakita ng anumang sintomas ng Covid-19 at kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

Facebook Comments