Higit isang milyong Pilipino, naka-preregister na sa National ID

195

Umabot na sa higit isang milyong Pilipino ang naka-preregistered sa Philippine Identification System.

Sa datos ng National Economic and Development Authority (NEDA) mula sa 1,058,546 cumulative preregistrations, 572,877 ay mga lalaki habang 485,569 ay mga babae.


Sa age group, 39.7% ng mga registrants ay mga batang may edad 20 hanggang 39 habang 37.9% ay may edad 40 hanggang 59 years old.

Sa ilalim ng preregistration, kinukuha ng mga statistic personnel ang personal data tulad ng pangalan, edad, kasarian, contact number at address.

Susunod na kukunin ang biometrics na mag-uumpisa sa November 25, 2020.

Nabatid na sinimulan ng pamahalaan ang paglulunsad ng preregistration ng National ID program sa 32 lugar sa bansa nitong October 12, 2020 at target na maiparehistro ang buong populasyon ng Pilipinas na nasa higit 108 million Filipinos pagsapit ng 2022.




Facebook Comments