9 Katao, Timbog sa pagpupuslit ng mahigit Isang libong Board feet na kahoy!

*Gamu, Isabela- *Arestado ang siyam na katao matapos magpuslit ng mahigit isang libong boardfeet na kahoy pasado alas kwatro kaninang umaga, Agosto 27, 2018 sa Brgy. Upi Upper, Gamu, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Richard Limbo, hepe ng PNP Gamu, nadakip ang isa sa mga suspek na si Ruben Esteban, singkwentary tres anyos, isang karpentero at residente ng Zone 3, San Mariano, Isabela kasama ang walo pa nitong kasamahan.

Ayon kay PSI Limbo, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na umanoy mayroong ipupuslit na pinutol na mga kahoy na isinakay sa isang elf truck mula sa bayan ng San Mariano, Isabela.


Agad umanong nagsagawa ng operasyon ang mga kasapi ng PNP Gamu kasama ang iba pang mga otoridad hanggang sa masabat sa kahabaan ng Brgy. Upi ang kanilang sinasakyang isuzu elf truck na naglalaman ng mahigit kumulang isang libo at limang daang boardfeet na kahoy at tinatayang nagkakahalga ng animnapung libong piso.

Wala umanong maipakitrang mga kaukulang dokumento si Esteban na dahilan nang kanilang pagkaaresto.

Nasa kustodiya na ng PNP Gamu ang mga nadakip na mahaharap sa kanilang kasong Paglabag sa PD 705 habang ang mga nakumpiskang kahoy naman ay dinala sa pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments