Clean Riders Campaign ng PNP Gamu, Maigting na Isinasagawa!

*Gamu, Isabela- *Maigting paring ipinapatupad ng PNP Gamu ang kanilang isinasagawang Clean riders campaign sa kanilang nasasakupan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Richard Limbo, hepe ng PNP Gamu na kasalukuyan pa rin ang kanilang pagbabantay at kampanya kontra sa mga riding in tandem na kadalasang sangkot sa mga krimen.

Layunin umano nito na malinis at maiwasan ang mga kaso ng mga riding in tandem kaya’t mas lalo umano nilang tututukan ang mga lugar na madalas na pinangyayarihan ng krimen at sa mga matataong lugar.


Dagdag pa niya, ito ay upang mapanatili na rin ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.

Facebook Comments