9 lugar sa Cagayan Valley, Nakategorya sa “Critical Risk” dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nasa “Critical risk” epidemic classification ang siyam (9) na bayan sa Cagayan Valley region.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health region 2, kabilang sa siyam na bayan ang Gamu, Cabatuan, Naguilian, Burgos, Mallig at Aurora sa Isabela; Claveria, Cagayan at mga bayan naman ng Kasibu at Dupax Del Sur sa Nueva Vizcaya.

Ayon sa DOH, ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘critical’ matapos makapagtala ang mga ito ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.


Ibig sabihin pa nito, dati ay wala o kakaunti lamang ang aktibong kaso pero sa loob lamang ng ilang araw ay bigla itong dumami.

Gayunman, nilinaw ng DOH Region 2 na hindi ibig sabihin na ang mga nasabing bayan na nasa critical epidemic risk classification ang siyang may pinakamataas na kaso sa ngayon.

Nananatili pa rin ang Tuguegarao City na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.

Facebook Comments