9 lumabag sa curfew, liquor ban pinaligo umano sa kanal sa Davao City

Screenshot from Reymon Ballena Tulibao's Facebook video

Pinalublob sa kanal ang siyam na lalaki bilang parusa umano sa paglabag sa curfew at liquor ban sa Agdao, Davao City noong Biyernes.

Sa video na kuha ng isang residente, makikitang pinapipila ang mga nadampot na lalaki saka isa-isang pinaligo sa maruming kanal sa Barangay San Antonio.

Ayon pa sa isang biktima na naghahanap lang daw ng signal ng cellphone noong mahuli siya ng opisyal, bago sila palusungin ay pinag-push up pa sila nang 50 beses.


Kinastigo naman ni Davao City Mayor Sara Duterte ang “hindi makataong” pagpaparusa ng mga di-kinilalang pulis.

Sa panayam ng Davao City Disaster Radio, iginiit ng alkalde na nakasaad umano sa Inter-Agency Task Force Omnibus Guidelines Section 8 na, “LGUs are enjoined to enact necessary Ordinance to enforce curfews to penalize in a fair and humane manner”.

Dagdag ni Duterte, pinaglinis na lang sana ng maruming kanal ang mga lumabag imbis na paliguin dito.

Posibleng maharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga sangkot na pulis.

Facebook Comments