Menor de Edad, Ligtas sa Tangkang Pambubugaw sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga awtoridad ang dalawang katao na pinaniniwalaang bugaw matapos ang ikinasang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng CIDG RFU2 ISABELA PFU, WCPD IPPO, WCPD-Ilagan City Police Station bandang 5:40 ng hapon kahapon sa Brgy. Calamagui 1st, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Ann Balisi, 47-anyos at Joe Michael Tiad, 29-anyos, binata at residente ng Brgy. Baligatan, Ilagan City.

Lumalaba sa imbestigasyon na ibubugaw ng mga suspek ang isang babaeng menor de edad na nagresulta ng pagkakadakip sa mga ito.


Nakumpiska sa mga suspek ang P500 na ginamit ng nagpanggap na operatiba sa at mga cellphone.

Nailigtas naman sa tangkang pambubugaw ang menor de edad na nasa pangangalaga ng DSWD para sa counseling.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) as amended by RA 10364.

Facebook Comments